Fushigi Yūgi (ふしぎ遊戯; na ang ibig sabihin ay Misteryosong Laro ngunit kadalasan ay Mysterious Play) ay isang Hapon na manga (nang lumaon ito'y naging anime) nilikha ni Yū Watase. Ang pamagat na ginamit ay Fushigi Yūgi sa bersyon ng Viz at tinawag namang Fushigi Yugi sa Singapore.
Sa istorya, dalawang dalaga (Miaka and Yui) ang nakakita ng libro sa isang mahigpit na seksyon sa Pambansang Aklatan, na pinamagatang "Ang Libro ng Kalawakan ng Apat na Diyos". Nang buksan nila ang libro at binasa ang unang pahina, sila'y hinigop ng libro at napasok sa loob ng istorya, kung saan ang mundong iyon ay maihahambing natin sa sinaunang Tsina.
Ang Fushigi Yugi ay may limampu't dalawang (52) senaryo sa telebisyon, na kung saan ay hinati sa dalawang bahagi. Dagdag pa nito, mayroon din itong dalawang (2) espesyal na senaryong pangtelebisyon, at may total na labing tatlo (13) OAVs, na hinati sa mga sumusunod: Serye 1 (3 senaryo), Serye 2 (6 na senaryo) at Fushigi Yuugi Eikoden (4 na senaryo)
Ang Fushigi Yugi anime ay nai-publish sa Singapore sa ilalim ng Odex. At lumabas naman ito sa Hapan sa ilalim naman ng Shogakukan. Lumabas din ito sa wikang Ingles sa Hilagang Amerika sa ilalim ng VIZ Media. Sa Singapore, lumabas ito sa wikang Ingles sa tulong ni Chuang Yi.
MGA KAMPO NG SUZAKU-
- Tasuki (翼宿)
- Tunay na pangalan: Kō Shun'u (Genro) (Hou Chun-Yu sa Intsik)
- Ipinanganak noong: ika-18 ng Abril
- Edad: 17
- Taas: 178 cm
- Armas: Pamaypay na yari sa bakal
- Pag-uugali: Maingay, mahilig sa apoy, tapat, mapagpatawa, takot sa tubig, ayaw sa babae maliban kay Miaka
- Tasuki (翼宿)
-
- Chichiri (井宿)
- Tunay na pangalan: Hōjin Ri
- Ipinanganak noong: ika-21 ng Mayo
- Edad: 24
- Taas: 1.75m
- Armas: Wizardry, patpat, sumbrero, kapa
- Pag-uugali: Payapa, mabait, tuso , matalino at masayahin
- Chichiri (井宿)
-
- Mitsukake (軫宿)
- Tunay na pangalan: Myo Juan (Miao Nioh-An sa Intsik)
- Ipinanganak noong: ika-7 ng Mayo
- Edad: 22
- Taas: 1.99m
- Armas: Nakakapagpagaling sa pamamagitan ng palad
- Pag-uugali: Matangkad na tahimik
- Mitsukake (軫宿)
-
- Chiriko (張宿)
- Tunay na pangalan: Ō Dōkun (Wong Tao-Hui sa Intsik)
- Edad: 13
- Armas: Ang kanyang pambihirang katalinuhan
- Pag-uugali: Matalino, tuso, at pinaka-bata sa grupo
- Chiriko (張宿)
No comments:
Post a Comment